Sa totoo lang, bigla akong napa-isip gumawa nito. Hindi ko rin alam kung bakit. HAHA! Let`s just say na ginagawa ko lang to para sa mga naging part of my life in the year of 2013.
2013 is the year for me. Why? Dahil sa taon na yan, doon ko nakilala ang mga totoong andyang para sakin. At the same time, dun ko din nakita kung sino ang naging totoo kong kaibigan. ( I guess :P) May ilan din dumating na hindi ko ineexpect na magiging kaibigan ko na din pala na noon eh ayaw ko (HAHAHA! Maarte!) Okay, wag na masyadong marami pang speech! So let`s start! :)
Oh wait! Kung mapapansin nyo pag paulit-ulit yung mukha dun sa picture. Eh naaayon sa grupo po yun. :)
My Family
(Sayang kulang kami dito, wala pa yan sa kahalati. Masipag eh! :D )
Yes of course my Family! Every year na nag-daan or lumipas, part na talaga ng buhay ko ang Family. Actually, hindi lang naman ako ang nagsasabing part nyo sila ng buhay nyo, of course kayo din! :) Whether you like it or not. Good or bad times. Kasama nyo pa din sila. Kahit paano naman mahal ko sila. Kahit na nag-aaway kami or nasasagot ko sila. Wala eh, sa kanila parin ako lalapit at hihingi ng tulong pagdating sa huli. So, thank you for everything and Sorry for all what I did! Ayun lang, ayokong magdrama. :)
The Invisible Batch
Saan mang organizations, events, reunion or get together man. Hindi tayo kumpleto. Dalawang section na nga lang eh Haha! Kaya eto, wala sa picture yung iba. Pero syempre! Part parin kayo. And more than that, maganda ako sa paningin nyo. HAHA! Kaya thank you sa kanila. Sana marami pang bondings or get together ang dumating. Ayun lang. Ahihihi! At sa mga iba pang kabatch na nakasama namin. Thank you. (Speechless) :)
AudiBatch2006
Eto naman.... Tsk, hindi ko alam ang sasabihin ko. HAHA! Jk. :) Okay, since September 2009 naging part na sila ng "Audition Life" or "Buhay online gamer" ko. :) Sa fam din na to ako unang nag out ng gender ko. HAHAHA! (Ayun ang pagkaka-tanda ko.). Pero Syempre, every year iba-iba ang mga nagiging member. Iba-iba din ang nakakaclose. Dito na-feel ko rin ang "Respeto" bilang tao of course, being a gay, as officer and maging member syempre. Kahit marami pa sa kanila ang hindi ko nakikita, eh masasabi kong isa sila sa naging "True Friends" Oh diba? Anj, Ashei, Yssa, NJ, Binet, Jed, RJ, Falconing Supot, Tatin, Hime (Secretary) Lynn, Norman, Pop, Cess, Adrian, Ate Ria, Ehny, Jenny Kenny, Hew, Pua at kung sino pang naging member ng AudiBatch06 na hindi kasama sa picture, Thank you sa inyong lahat! And for Ate Ria and Ian, nagkita na din tayo sa wakas! :D. Yun lang po. HAHA! :)
The Certified Gossipers
Buti pa sa collage nagagawa nating maging kumpleto. :) Ayy! Dito ko nafeel maging babae. Kasi ako lang ang nag-iisang bebot. :P I mean, lalake. HAHAHA! Wala eh sadyang maganda ako. Seriously, ang laki kaya ng utang na loob nila sakin. Why? Kung wala ako, walang maganda sa group na yan. HAHA! :D Mga friend, alam ko iba sa atin busy at mga nag-bago na. Sana naman kahit halos wala na tayong time magkaroon ng bonding. Yung pagkakaibigan natin hindi mawala, Kahit may galit ang iba satin. Pero ang pinaka-hihiling ko sa inyo dumating yung araw na magiging kompleto tayo sa isang magiging balak nating pag-uusapan at please lang, wag na natin ang pag-hihingalo ni Dhjoanne Oronos . HAHAHA! :D. Kung ano man ang problema natin sa isa`t-isa eh sana magawan na nating ng paraan. Love you guys! :D
SWaPangs
(Samahang Walang Pangalan)
Hhmm, this year, sa batch namin or sa schoolmates ko. Sila yung nakasama ko. Kaya lang medyo magastos. Wahahaha! :) Pero okay lang yan! Medyo nag-enjoy naman diba? Ano pa nga ba? Actually hindi ko din alam kung paano ako napasa sa kanila. Pero dito rin nag-balik yung closeness namin ni Bea Tamayo dahil na rin kay Katy Perry, Na-enjoy ko din si Dave Bautista and Drex Calderon (Wala sya sa picture). Wahahaha! :D Naging mas maging close kay Kate Francisco and Dodi Tamayo. Ah basta marami pa akong naging expirence sa kanila. HAHA! :D
GMLight/Gawin Mong Light
Eto na yata yung group na ang karamihan sa kasama ko eh, matatalino ang masyadong strikto ang magulang. Esp. si Lyka, andaming excuses sa tuwing magkikita ang GMLight. Kesyo Family day (Every sunday), ayaw nya kasi, iinum daw. Eh bat pang natawag itong GMLight kung walang inuman? HAHAH! Si Grace naman pag wala si ano, hindi pupunta. Mga kaloka! HAHA! :D The rest, ayun sumasama naman, kasi matitigas ang mukha. Kayang tumakas, pwedeng umuwi ng late at umuwing lasing. At ako naman, eto maganda sa kanila. Wahahahah! :D Okay set na us! :)
Town Friends (LOL)
Sila yung mga friends ko here sa Rosario every night. At dahil jan, marami akong nagagawang kalokohan pag-kasama sila, esp. pag Gabi na! HAHAHA! Pero hindi naman masyadong hard yung mga pinag-gagawa namin. Let`s say may naiiwasan pa naman kahit paano. :)
Medina Cousins
(Blured as in! Isipin nalang natin na paint itong picture. lol)
This year, binigyan ako ng chance na makasama ang mga to. And I thank God dahil ang saya-saya nilang kasama. Not just because treat nila to, of course nakakatuwa sila and close ko naman sila. Akala ko talaga ma-OOP ako, well expectation ko lamang yun hehe. :) More bondings to come and thank you Ate Ericka! :D
Cousins
(Together with Rachell Ann Go. HAHA!)
Yeah, its our first time again na magkakasama since mag-kakalayo kami ng bahay. Nagkakasama lang naman kami pag may okasyon or family gatherings ekla. lol :). Pero buti nalang diba nagkaroon kami ng time to bond each other. Kaya lang mejo nakakabitin pa. But I`m sure hindi pa nagtatapos jan. :)
Kate Francisco
This year, i had a most embarrassing moment to her. Nagkaroon kami ng hindi pinagkaunawaan nandahil lang sa isang lalaki. Kaya ayun, more sermon pa ako sa kanya. HAHAHA! Nakakatawa lang talagang isipin yung mga nangyari. Few weeks hindi kami nag-usap. and because of that. Nawala yung pagiging closeness namin. I know that okay na yung problema natin, pero yung closeness natin before hindi pa. So sana bumalik na yun. :)
Dominador Estiamba
(Itong picture na to ay nung Field Trip 2012, hindi na ko nag-susuot ng Varsity Jacket dahil puro gangster nalang ang nagsusuot nyan. HAHA! Just saying.)
Bukod kay Sir Ghilly, isa to sa pinakabait naming Teacher, nung High School ako. Dalawang beses ko sya naging Adviser. Pero nung 2nd year. Lagi akong bagsak sa kanya sa Math. Pero nung naging Adviser ko sya, ayun langit ang grades ko HAHA. Minsan sya ang kakampi or kasabwat namin kung may problema or kaso kami sa ESR. In short, barker HAHAHA! Thank you Sir and Love you!
Sir Ghilly
One of my Closest teacher. Siya kasi ang madalas na nakakasama namin pag meron kaming simpleng get together and sya yung nag pa-plano kung saan kami magkikita or kung ano ang gagawin namin. Hindi kami iniiwan, nakiki-bagay sa lahat. Maalaga pa! May konting secret din HAHAHA! And naalala ko nagalit sya noon kasi napikon sya sakin. Anyway Sir, Thank you and I love you! HAHA! :D
Carwina Navaro
(Teds)
Sya lang naman yung pa-epal sa buhay ko. Hindi naniniwala sa Kinagandang Taglay ko. Inggit at kung ano pa ang ikakasira nang buhay at kagandahan ko pero hindi parin nya kaya. HAHA! Naalala ko, kaya lang naman kami naging mag-close to kasi. Nung 2nd year ako, lagi ko syang sinasabihan ng "plastik" nang wala namang dahilan. Hindi naman din ako nag-papapansin or should I say trip ko lang kung bat ko sya sinasabihan nun? HAHA! Anyways, kahit panget yan, love ko yan. (whaever! -.-)
------------------------------------------------------
Rommel Perez
Hey! Show me your Zebra please! :( HAHA! Ay grabe to. Siya lang ata yung nakilala kong Australianong Bisaya! HAHA! Walang pagbabago eh. :) Of course ang ugali ganon din. Hindi nga nakalimot pero may kahihiyan parin. HAHA! Anyway thank you sa blowout and pasalubong. :) Sa june ulit. Penge na din Zebra, samahan mo na din ng Tiger at Cheetah. AHAHAHA!
------------------------------------------------------
Mitz Silvestre
Hi Mitz! Sa lahat ng mga kaibigan kong tomboy, sya ang pinaka-gusto ko. Kasi mabait naman yan kahit paano. HAHA! Sweet yan. Pag hindi yan kasama nila Angel, ayan ang hinahanap ko. :) Tsaka nung nag-kaproblema ako isang beses, isa sya sa kinausap ko. Mahal ko yan kahit die hard fan yan ng Chicser. HAHA! I love you Mitz!
------------------------------------------------------
Nicole Escobar
Etong babaeng to, sya lang naman yung isa sa mga inggit sakin, anlakas ng loob na papangitin ako. Pero hindi naman kinaya ng powers nya. HAHA! :D Sa lahat ng kaibigan ko, sya lang naman yung pinaka-panget. Hahaha! Okay lang yan Nicole, maganda naman ako eh. Ahihih Jk. I love you and Thank you!
------------------------------------------------------
Charlene Valdezco
Yeah my High School friend, is now my Kumare. Haha. Akala ko nakalimutan mo na ako simula nung pagka-alis mo sa ESR. Pero akala ko lang pala. Thank you Cha! Hey yung regalo andito pa. Baka mabulok. HAHA! I love you friend!
------------------------------------------------------
Kim Russel De Leon
Oh yeah si Classmate! One of my classmate in grade school. Hindi ko sya trip that time and I don`t know why kung bat ganon? Lol! But now, iba na. Sya lang naman nakakausap ko ng matino minsan. Pag wala akong magawa, stress, frustrated, good or bad mood. Kaya buti nalang natuntungan yung facebook ko. HAHA! Whatever classmate! Thank you so much Classmate! Kahit alam kong minsan nang-iistorbo ako haha. You`re now my True Friend and sana hindi ka nagsasawa. Yung tapsi ko ha. HAHA! :D
----------------------------------------------------
#Jessa Ann Wong
Si #hashtag girl. HAHA! Acually friend ko na sya nung grade 1 pa kami but not really close friend. Nag continue nalang ang friendship namin at naging close narin nung bumalik ako sa ESR ng 1st year High School na kami.And ayun, matatag parin. Wahahaha! I`m glad nung naging friend ko sya (kahit paano -.-) because she care for me, concerned of course and love me. Well, ganon din naman ako sa kanya. And sa lahat ng classmate na nagpalamon sakin, ahahaha. Sa kanila yung pinakamasarap na napakain sakin. Masarap din naman ang ibang pinakain sakin pero mas masarap talaga sa kanila. HAHAHA! :) Last time na nag-debut sya, abah! Ako ang pang 17th nyang sinayaw nung 18 roses nya. Ibig sabihin importante ako sa kanya. WAHAHAHA! :D And Jhennica, sya lang naman yung epal sa bahay nila pag andun kami. Bwisit yan eh. Ansarap tirisin! HAHAHA! Well, thank you for that, thank you din sa lahat kahit minsan napag-ttripan kita. HAHA! Love you both! :D
Lyka Tabermejo
(Babe)
Alam nyo bang sya ang kauna-unahang babae na nagustuhan ko? OMG! Totoo yun! HAHAHA. Sya naman kasi yung nanligaw eh. Pinikot nya po ako sa totoo lang :D Nung 3rd year lang. Classmate kasi kami nun, then tinatawag nya akong "Babe". Nung una nawindang ako. HAHA kinukulit nya talaga ako nun abah! Tas nung 1st J.S namin isayaw ko daw sya, kaya lang hindi ko sya naisayaw. (Kita nyo na? sya pa yung nag-yaya sakin ng ganon) Maharot kasi! HAHA. After that ayun tinatawag ko na din syang Babe. Naging crush ko na din kasi sya. haha. Feel ko since nung grumaduate kami, dun ko lang na feel ng sobra ang friendship namin. Simula nung sa kanya ako lumalapit pag may problema ako, isa rin sya sa mga sinasabihan ko ng secrets kasi nga anlaki ng tiwala ko. Then ang pinaka most memorable nung 2013, nung na-isayaw ko sya nung debut nya. Thank you so much babe! Alam mo naman na mahal kita, ganon ka din sakin. Sana wag mag-bago yun. I love you!
Katrina Andal & Dhjoanne Oronos
Bukod sa mga iba kong friends or classmates, sila yung pinaka-importanteng tao sa buhay ko. Friends ko na sila since 3rd year. Feel ko lang naman, pinagbaliktad kami ng mga pagkatao namin. HAHAH! Ewan ko lang kay Dhjoanne. :P Hayaan ko nalang sya haha. Sa batch namin, sila lang nalang yung lagi kong nakakasama. Planned or unexpected bonding. Kung saan-saan kami makakarating hanggang sa umabot na nang gabi. Sila rin yung inaasahan kong sabihan ng mga sikreto ko. :) Nung mag-classmate pa lang kami nung HS, marami na talaga kaming kalokohan. Kami ata yung clown sa classroom. Kasi naman ang panget-panget ni Dhjoanne kaya minsan nahahawa ako. Tbh, hindi ko sila tinuturing na Bestfriend at wala pa talaga akong tinuturing na kahit sino. Ah basta ewan. Haha. Pero kahit kami lang ang magkakasama, masaya na kami. Ahihihi!
Ara, Aj & Pekong
Friends, childhood friends, cousins, parters in crime at kung ano-ano pa. More or less than 10 years magkakasama na kami, sila ang kauna-nahan kong naging friends. Until now sila pa rin. Marami na rin kasi kami sigurong pinag-daanan. Haha, problema dito, problema jan. Best memories man. Kung sino man ang kina-iinisan, lahat-lahat! Marami kaming plano at pangarap sa buhay, kaya lang maraming hindi natutupad. Ang hirap kasi ng buhay at marami pa kasing pinag-babawal samin. Pero I wish na matutupad din yun. Sa totoo lang, dissappointed na rin ako samin. Kasi, hindi na kami sabay ng taon sa pag-aaral simula nung nag college kami. Kaya madalas nakakalungkot isipin na kung sakaling dumating man ang Last Graduation, hindi kami sabay. Pinaka moment na nangyari samin nung umiyak ako sa kanila dahil hindi ako pinag-aral nila Mama and Papa. Nagbakasyon kami sa Tarlac. Naalala ko lang nung 2012, birthday ko nun. Iyak ako ng iyak and nag-kulong lang ako sa kwarto, habang ang family ko naman eh nagcecelebrate ng birthday ko. Umiyak ako nun dahil hindi ako pinayagang mag J.S. Prom nila Papa. Habang hagul-gol ako sa kwarto biglang tumawag si A.J sakin at binati ako. So ayun, umiyak nanaman ako ng hard. HAHAHA! Ewan ko ba. ;) Kahit puro failure tayo sa mga plano natin, kahit tayo na ang pinaka nag-bibigay ng problema sa parents natin. Masaya tayo kahit aapat lang tayong magkakasama. I love you friends!
---------------------------------------------------------------------
At ang pinaka importanteng tao sa buhay ko.
---------------------------------------------------------------------
Si Flor at si Anday
Sila, sila ang mga magulang ko. Marami akong gustong sabihin sa kanila pero hindi ko kaya. Nahihiya kasi ako eh. Kaya dadaanin ko nalang dito. Buong buhay ko, naging parte sila ng aking buhay. Kahit ba malaki ang sama ng loob ko. Alam ko naman na disappointed na sila sakin. Matigas kasi ang ulo ko eh. :) Pero kahit ganon marami akong gustong gawin para sa kanila na ayaw ko pang sabihin na kahit kanino pa. Marami man akong hiniling na hindi nila na-ibigay. Mahal ko pa rin sila. Sana sa marami pang taon makasama ko pa sila. Ayun lang, ayoko ng maraming speech, baka maiyak ako eh. HAHAHA! Mahal ko kayo kahit na hindi tayo nag-kakasundo. Thank you sa inyo,
"The End"
------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Ma-appreciate nyo sana yung message na binigay ko sa inyo. Alam kong marami pang wala dito, kaya sorry sa mga hindi ko nailagay, but thank you pa din sa inyo. Yung iba kasi walang picture eh. And yung iba naman, nahihiya akong isama. HAHA! Ganon pa man thank you for being a part of me. Thank you din sa utang na loob, utang na pagkain, utang na pera at kung ano pang utang na ibinigay nyo. Thank you po sa inyo. I wish na dumating naman na ako naman yung mag bigay sa inyo. Sana sa 2014 maging parte pa rin kayo ng buhay ko. Thank you so much and I love you!