Saturday, June 7, 2014

The Sparkling Battle is about to start again.



It`s been a year and a half when I stopped my school career. Dahil na din sa hindi ko maintindihang dahilan. Basta nalang ako tumigil ng hindi ako nagkukonsulta sa mga taong nasa paligid ko or sa mga taong may kaalaman about this and the saddest thing eh kung kailang patapos ng Semester, dun pa ako tumigil. Cause I`m always believing in my self na kaya kong mag-desisyon sa sarili kong mag-isa. Pero hindi ko siguro napanindigan. (Hindi naman lahat) :)

Malaking disadvantage sakin ang pagtigil ko sa pag-aaral. Nagsayang ako ng 1/2 years na dapat sana`y malayo na yung narating kong taon as a collage student and at the same time, may natutunan na rin ako sa kinuha kong course. Napag-iwanan na ko ng mga kabatchmates ko and mga friends ko. Of course nahirapan din mag-save ng money dahil na rin wala akong baon. :) May ilan din akong natutunan na nakakalimutan ko na. At higit salahat, baka nakapag-OJT na ako I really feel regret maging ang mga taong nakapaligid at nagmamahal sakin. 

Nawalan lalo ng tiwala sakin sila Papa and Mama dahil sa ginawa ko nung nag-aaral pa ako. Kaya medyo nahirapan kong nakumbinsi sila na i-accommodate pa nila akong ipag-aral.

Marami akong idinahilan para tumigil ako ng pag-aaral. Tulad ng ayoko sa University na pinasukan ko or binagsak na ako ng mga major ko at hindi nila ako pinapapasok. Pero mas ang dahilan ko talaga ay hindi pa ako makapag adjust. So, it`s about time naman ng pag-babago para sa sarili ko. And of course para na rin sa mga taon mahal ko. Hihi! :)

So eto na nga. Pinag-bigyan na nila akong pag-aralin. At ang nakakatawa pa for me is, dun parin ako sa RTU Mag-aaral. Pero okay lang yun. `Cause I`ve realized na wala naman sa school na papasukan ko. 


Yes, I`m going to school again and I really feel happy dahil dumating din itong chance ko. (Last chance I should say :) ) It`s about time naman nang pag-babago. But I`m not saying na magiging mabuti akong Estudyante Tao lang din ako, na-iimpluwensyahan din ng mga nakapaligid sakin. All I`m saying is maari akong mag-tarantado, pero kaya kong panindigan na makakatapos ako at mag-aaral. Matigas lang ang mukha ko, pero hindi naman pariwara ang buhay ko. May lessons sakin ang pag-tigil ko. Pero hindi ko masasabi na magandang halimbawa ang nangyari sakin before.


And now! This is it! This is really is it, is it. Lol!


I`m now ready for the Sparkling Battle. So Good Luck to me!!

-God Bless-



No comments:

Post a Comment